Tulalang nakatingin sa kawalan
Hindi alam ang gagawin
Tila naghahanap ng kasagutan
Lunas sa nararamdaman ng damdamin
Wari'y walang naririnig
Wari'y walang naiintindihan
Ititikom na lang ang aking bibig
Titiisin na lang ang nararamdaman
Hinahanap-hanap ka
Para nang sa gayo'y ako'y lumigaya
Ngunit hindi maaari
Ganito na lang lagi, laging sawi
Masaya ka na
Bakit pa ako magaabala
Hayaan mo na lang akong sugatan
At pipilitin ko na lang na ika'y kalimutan