Sana ay mabasa mo ang entry na ito. Hindi ko na kailangan lagyan ng mabubulaklak na salita ang mga nilalaman ng sinasabi ko. Sa totoo lang gulung-gulo na ako kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung alam mo na. Kung hindi man, sana man lang ay nararamdaman mo kahit papaano. Oo magulo akong tao. Alam ko yun kaya nga hanggang ngayon ay hindi ako malagay sa tahimik sa tuwing maiisip ko ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa aking munting isipan. Mga simpleng bagay ginagawa ko pang komplikado, ngunit bakit? Kasi hindi ko kayang magawan ng paraan sa isang simpleng pasada, sa gitna ng gulo ay nakakahanap ako ng kapayapaan sa aking isipan. Hindi ko alam kung sino ang nilalaman ng puso mo. Hindi ko rin alam kung ano ang itinutukoy ng iyong mga sinasabi. At lalong hindi rin naman ako umaasa sa iyo dahil napakainutil ko kumpara sa iyo. Ano nga ba ang nais kong iparating? Simple lang. Sa wakas ay masasabi ko sa isang simpleng pangungusap...
Putang ina mahal kita.