The Journey Begins Here

The different episodes of my journey towards the end of life.

Credits and Debits
Wednesday, April 25, 2007;1:00 AM

Salamat sa lahat ng dumalo sa aking maliit na salu-salo. Nakompleto araw ko dahil sa inyo. Kumpleto na sana ang aking munting kaarawan ngunit hindi ko nakuha ang tanging bagay na hinihiling ko. Kaunting kalinawan lang naman ang aking hinihiling. Kaunting ilaw sa aking mundo. Kaunting mga sagot sa aking mga katanungan. Kaunting pansin. Kaunting kalinga. Ang daya.

Pero seryoso salamat sa lahat ng pumunta. Kahit isang beses man lang sa isang taon, napangiti ninyo ako at napatawa ninyo ako ng tunay.